Ang Pahayagan

Cortez-Legaspi tandem, naghain ng kandidatura bilang alkalde at bise ng Gapo

Olongapo City – Pormal na naghain ng kanilang certificate of candidacy sina incumbent Vice Mayor Aquelino “Jong” Cortez at Konsehala Kaye Legaspi para sa pagtakbo para pagka-alkalde at bise-alkalde ng lungsod nitong  Linggo, Oktubre 6, 2024.

Kasama nilang naghain ng kandidatura si Barangay Barretto Chairman Angelito “Gie” Baloy na tatakbo naman para pagka-konsehal ng siyudad.

Si Cortez ay kilala bilang “action man” simula nang pasukin ang serbisyo publiko noong 2007. Bitbit ngayon ng kanilang pangkat ang platapormang “Bagong Gapo, Aksyon ngayon para sa Magandang Bukas.”

Pangunahing adbokasiya ng grupo ang promosyon ng Olongapo bilang highly urbanized city na may kakayanang  makipagsabayan sa iba pang highly urbanized cities ng Gitnang Luzon. Layon di nilang palakasin pa ang ang promosyon sa turismo at pagnenegosyo sa siyudad nang sa gayon ay makalikha ng maraming trabaho para sa mamamayan.

“Gusto kong itatag ang gobyerno na kumakatawan sa Olongapo, malinis, maayos at tahimik, at mabilis ang serbisyo sa taong bayan,” pagdidiin Cortez.

Si Konsehala Legaspi naman na tatakbo sa ilalim ng partidong Aksyon Demokratiko ay kilalang kampeon ng sektor ng kabataan. Plano niyang isulong ang paglalaan ng mataas na social funds upang madagdagan ang health and wellness benefits ng mga residente lalo’t higit ng mga senior citizens. Nais din niyang patuloy na pagtuonan ang mga education and youth programs.

Ang Cortez – Legaspi tandem ang pinakaunang naghain ng kanilang certificate of candidacy para sa posisyon sa pagka alkalde at bise alkalde ng lungsod para sa 2025 local at national election.

Leave a comment