Ang Pahayagan

PWD, senior citizen advocate, musikerong si Azores, naghain ng kanyang CoC

OLONGAPO CITY– Kabilang sa mga unang naghain ng Certificate of Candidacy para sa pagka konsehal ng lungsod ang musikero, persons with disabilities (PWD) and Senior Citizen advocate na si Bien Dumlao Azores.

Kilala si Azores bilang aktibong miyembro ng Musikerong Gapo (New Generation); Olongapo Barangay Federation of Person with Disability (OBFPWD)kung saan siya ang presidente ng visually impaired group at ng International Order of DeMolay. Isa din siyang sales executive ng mga construction equipment.

Layon umano ng kanyang pagkandidato ang maitaguyod ang kapakanan ng mga PWDs, Senior Citizen, single parent, kabataan at mga mangagawa.

Si Azores ay anak ng dating Olongapo City Treasurer Loreto P. Azores at Bienvenida D. Azores na naging guro sa ibat-ibang pampublikong eskuwelahan sa lungsod.

Leave a comment