SUBIC BAY FREEPORT–Ipinamahagi ng Subic Bay Metropolitan Authority (SBMA) ang ₱204.7-milyong revenue shares para sa walong kanugnog na mga lokalidad bilang bahagi sa limang porsyento (5%) corporate tax na binayaran ng mga rehistradong negosyo sa Freeport mula Enero hanggang Hunyo 2024.
Pinangunahan ni SBMA Senior Deputy Administrator for Support Services head Atty. Ramon O. Agregado,ang okasyon ng pamamahagi na dinaluhan ng din ng ilang lokal na opisyales mula sa lalawigang Zambales at Bataan.
Sinasabi sa ulat ng SBMA Corporate Affairs na ang kabuuang halaga ng kita para sa unang kalahati ng taon ay bahagyang mas mataas kumpara sa ₱203 milyon na ipinamigay noong parehong panahon ng nakaraang taon.
Natanggap ng Olongapo City ang pinakamalaking bahagi na aabot sa ₱47.8 milyon; ang munisipalidad ng Subic, Zambales naman ay makakatanggap ng ₱30.7 milyon; San Marcelino ₱24.5 milyon: Castillejos P18.6 milyon, at San Antonio ₱17.4 milyon.
Sa Bataan naman ay nakakuha ang Dinalupihan ng ₱25.5 milyon; Hermosa ₱21.9 milyon, at Morong ₱18.1 milyon.
Ibinabase ang mga alokasyon ng mga pondo sa populasyon (50%), lawak ng lupa (25%), at pantay na bahagi (25%). Tumanggap ang Olongapo City ng pinakamalaking pondo dahil sa laki ng populasyon nito na umabot sa 206,317 base sa census noong 2020.
Ang mga revenue shares ay inilalabas dalawang beses sa isang taon—tuwing Agosto para sa unang semestre, at Pebrero para sa ikalawang semestre.
📸 file photo


Leave a comment