Ang Pahayagan

Mga Cayetano, nagparating ng suporta sa health workers at kababaihan sa Central Luzon

Umabot sa 1,500 benepisyaryo mula sa mga sektor ng Barangay Health Workers (BHWs) at women’s groups sa Central Luzon ang natulungan ng mga tanggapan nina Senador Alan Peter at Pia Cayetano sa kanilang nakaraang pagbisita sa rehiyon.

Sa pakikipagtulungan sa Assistance to Individuals in Crisis Situation (AICS) program ng Department of Social Welfare and Development (DSWD), layunin ng pagtulong na suportahan ang papel na ginagampanan ng BHWs sa kalusugan ng mga komunidad at pahusayin ang kakayahan at economic independence ng mga kababaihan.

Nagsimula ang mga aktibidad sa Nueva Ecija sa pagbisita sa Cabanatuan Nampicuan. Ipinagpatuloy ng mga tanggapan ng mga senador ang misyon sa San Manuel, Tarlac.

Sa pamamagitan ng pagsuporta sa BHWs at pagpapalakas ng mga kababaihan, ang mga Cayetano ay nagtatayo ng mas matibay na pundasyon para sa mga komunidad ng rehiyon. (PR)

Leave a comment