Ang Pahayagan

Ateneo teachers na bumisita upang maghatid ayuda naligtas sa pagka-stranded sa Botolan

ZAMBALES–Labing-isa (11) katao kabilang ang limang bumibisitang guro ng Ateneo ang nasalba sa pagka-stranded mula sa biglang pagtaas ng tubig sa ilog sa Poonbato, Botolan nitong Linggo ng gabi, Setyembre 29.

Ayon kay Andy Davino, head ng Botolan Municipal Disaster Risk Reduction and Management Office (MDRRMO), ang naturang mga guro ay kasama ng tatlo pang Botolan teachers at tatlong assistants nang ma-stranded sa Poonbato Integrated School. Iinabutan umano ang grupo ng biglaang pagtaan ng tubig sa kanilang daraanan pauwi dulot ng bagyong #JulianPH.

Ang naturang grupo ay naghatid ng tulong para sa mga estudyante sa lugar subalit inabot ng sama ng panahon.

Narating ng Botolan rescue team ang kinarorooonan ng mga na-stranded gamit ang farm tractors sa pagtawid sa ilog at nadala ang mga ito sa ligtas na lugar dakong ika-6:15 kagabi.

📸  Larawan mula sa Botolan MDRRMO

Leave a comment