Ang Pahayagan

SEC roadshow sa Subic Freeport

Nagsagawa ang Securities and Exchange Commission (SEC) ng Roadshow on Capital Formation for Micro, Small and Medium Enterprises (MSMEs) and Start-ups sa Subic Bay Exhibition and Convention Center ng Subic Bay Freeport zone nitong Huwebes, Setyembre 19, 2024.

Layon ng aktibidad na dinaluhan ng may 157 aktuwal na kalahok gayundin ng 80 via zoom attendees, na maabot at maiparating sa mga maliliit na negosyo ang mga alternatibong capital market financial options pati na rin ang mga capital-raising needs assistance ng mga lihitimong MSMEs sa bahaging ito ng Gitnang Luzon.

Naging tampok sa programang ginanap sa Subic ay ang paglagda sa kasunduan sa pagitan ng SEC-Tarlac Extension Office at ng Subic Bay Freeport Chamber of Commerce para sa proyektong SEC Communication, Advocacy and Network (SEC-CAN).

Nakapaloob rito ang pagkakaroon ng mga regular na dayalogo sa pagitan ng SEC-TAREO at SBFCC para sa pagsusulong ng mga financial awareness literacy programs.

Kasama din sa kasunduan ang magkatuwang na pagtataguyod ng SEC Campaign Network para sa SEC Anti-Scam and Illegal Taking of investments Group o SEC-ASTIG.

 Sa pangunguna ni SEC Commissioner McJill Bryant Fernandez, ginagawa at inorganisa ang mga roadshow sa iba’t ibang bahagi ng bansa upang itaguyod at itaas ang kamalayan sa capital market financing options na magagamit ng mga MSMEs at startups.

Ang nasabing SEC Roadshow ay ilunsad noong Pebrero 2023 kung saan umabot na sa 9,500 mga MSMEs at maliliit na may ari ng negosyo ang nabigyan ng benepisyo sa kanilang mga pangangailangan sa kapital ng negosyo.

Leave a comment