Inapubrahan ni Department of Budget and Management (DBM) Secretary Amenah “Mina” F. Pangandaman ang request para sa pag-isyu ng Authority to Purchase Motor Vehicles (APMV) na nagkakahalaga ng kabuuang P396.374 milyon upang makatulong sa pagpapalakas ng kakayahan ng kapulisan sa bansa.
Gagamitin ang APMV sa pagbili ng 402 units ng sasakyan ng Department of Interior and Local Government – Philippine National Police (DILG-PNP).
“We support President Ferdinand R. Marcos Jr.’s commitment to boost the capability of our PNP. We strongly believe that a well-equipped police force is better positioned in promoting public safety. Sa huli po, itong pag-acquire ng mga motor vehicles ng ating kapulisan, ang mga kababayan din natin ang makikinabang,” pahayag ni Sec. Mina.
Ang pondong gagamitin para sa nasabing layunin ay kukunin mula sa Specific Budget of the PNP sa ilalim ng FY 2024 General Appropriations Act (GAA).
Sasakupin nito ang procurement ng 40 patrol jeep 4×2, 115 personnel carrier 4×4, 40 light transport vehicles, 10 PNP vans, 183 light motorcycles, at 14 EOD vehicles.
Inapubrahan ng Budget Secretary ang pag-isyu ng APMV noong ika-10 ng Setyembre 2024. (PR)


Leave a comment