Muling ibinalik sa karagatan ang Hawksbill sea turtle na pinangalanang Carina makaraan ang ilang buwang pangangalaga ng theme park operator na Subic Bay Marine Exploratorium.
Ang pawikan ay natagpuan sa dalampasigan ng munisipalidad ng Cabangan, Zambales at inihatid sa Ocean Adventure amusement theme park ng mga kinatawan ng Community Environment and Natural Resources Office (CENRO) noong Hulyo 27. Isinailalim ito sa maselang gamutan at rehabilitasyon bago pawalan muli sa dagat nitong Lunes, Setyembre 16.
“We want to thank the local community and CENRO for coming through and rescuing this gentle sea creature. Together, we can stand for worldwide endangered species and protect the ocean for the next generations”, saad sa pahayag ng Ocean Adventure sa kanilang Facebook page.


Leave a comment