Ang Pahayagan

Mga bagong gusali sa NETDC complex sa San Antonio pinasinayaan

Pinangunahan ni Zambales 2nd District Representative Doris “Nanay Bing” Maniquiz ang inagurasyon para sa dalawang proyektong imprastraktural sa loob ng Philippine Navy- Naval Education Training and Doctrine Command (NETDC) complex sa San Antonio, Zambales nitong nakalipas na Biyernes, Agosto 16, 2024.

Kabilang sa proyekto ang mga foreign military students barracks na nagkakahalaga ng P60 Milyon at ang Php35 Milyon transient facility ng Armed Forces of the Philippines.

Ang naturang two-storey building foreign military students barracks ay mayroong 20 kuwarto habang transient facility naman ay two-story building  na may walong (8) cluster family rooms.

Dumalo din sa inagurasyon sina DPWH 1st District Engineer Hermon Ines, Philippine Navy NETDC Commander Rear Admiral Joe Anthony Orbe at Naval Installations and Facilities commander Colonel Fidel Macatangay.

Sa naturang seremonya ay lubos ang pasasalamat ni Orbe kay Maniquiz sa tulong ng huli para sa mga proyekto sa NETDC.

Sa panig naman ni Maniquiz ay nabatid na may nakalaan pang pondo para sa iba pang proyekto sa NETDC tulad ng konstruksyon ng naval education training headquarters na nagkakahalaga ng Php50 milyon, isang three-story barracks na popondohan ng Php50 mllion at ang Boot Camp na magkakahalaga ng Php60 million.

Pinasalamatan din ni Maniquiz ang mga nag-ambag ng tulong para sa proyekto lalo na kay House Speaker Martin Romualdez at Yedda Romualdez ng Tingog Party List.

Leave a comment