Dumating ang walong (8) tauhan ng U.S. Coast Guard (USCG) at National Oceanic and Atmospheric Administration (NOAA) sa Incident Command Post ng Philippine Coast Guard (PCG) sa Lamao Port sa Limay, Bataan, ngayong Martes, August 6.

Ang mga tauhan ng USCG at NOAA ay nakatakdang magbibigay ng technical assistance sa Incident Management Team kaugnay sa recovery operations para sa magkasunod na paglubog ng mga barkong MTKR Terra Nova, MTKR Jason Bradley, at ang pagsadsad ng barkong MV Mirola 1 sa katubigan ng Bataan.
📸 PCG


Leave a comment