Olongapo city– Nasa 127 katao na karamihan ay mga kabataang dumalao sa isang seminar ang kinailangan dalhin sa ospital dahilan sa posibleng food poison sa hotel na tinutuluyan mga ito sa Subic Bay Freeport.
Sa pinakahuling report na nakalap, ang mga biktima ay dinala sa iba’t-ibang ospital sa lungsod ng Olongapo.

Agad namang rumesponde ang mga emergency response unit ng Subic Bay Metropolitan Authority-Public Health and Safety Department (SBMA-PHSD), Philippine Red Cross- Olongapo City Chapter, City Disaster Risk Reduction and Management Office ng Olongapo pati na din mga Emergency Response Units ng iba’-ibang barangay sa siyudad upang tumulong sa patient transfer operation.
Nagpahayag naman ang management ng hotel na nakahanda silang tumulong sa medical expenses ng mga biktima.
Napag-alaman na karamihan sa mga biktima ay pawang mga Sangguniang Kabataan members mula sa lalawigan ng Pangasinan. (Ang Pahayagan / JUN DUMAGUING)


Leave a comment