Ang Pahayagan

Olongapeños hiniling na maki-isa kontra oil spill

Nanawagan si Olongapo City Mayor Atty. Rolen Paulino Jr. sa kanyang mga nasasakupan na mag-ambag ng mga pet bottle (1.5 and 2 liter), hair (buhok), dayami, balahibo ng manok o bunot ng niyog upang magamit sa mga gawing improvise oil spill boom sa karatig lalawigan ng Bataan.

“Sa lahat ng ating residente, tulungan po natin ang ating karatig probinsiya ng Bataan upang linisin ang kanilang dalampasigan sa malawakang oil spill na naganap nitong nakaraang lingo,” saad ng alkalde sa kalatas na inilabas ng Olongapo City Information Center.

Nakasaad sa kalatas na ang mga maiipon na materyales ay ilagay sa mga garbage bag o sako at dalhin sa Olongapo City Hall, ESMO office, MRF facility sa New Cabalan o sa DRRMO Office.

“Let us help Bataan in cleaning the ocean of oil that can harm the marine life which we benefit from. Tulong po tayo mga Batang Gapo,” ani kalatas ni Paulino.

Leave a comment