SUBIC BAY FREEPORT—Binisita ni United States Secretary of Defense Lloyd J. Austin III ang Philippine Navy operation base at ilang defense industrial sites sa Subic Bay Freeport bilang bahagi ng kanyang pagdalaw sa Pilipinas.
Lumapag ganap na 9:45 ng umaga ang sinasaksang US Air Force C-130 plane na kinalululanan ng kalihim sa Subic Bay International Airport kung saan siya sinalubong ng ilang opisyales ng Subic Bay Metropolitan Authority.
Ang Subic Bay ay naging base-militar ng mga Amerikano ng mahigit sa siyam na dekada hanggang 1992.
Sunod na binisita na Austin ang himpilan ng Philippine Fleet- Subic Naval Operations Base ng Philippine Navy sa Redondo Peninsula kung saan sinalubong siya ni Flag Officer in Command, Vice Admiral Toribio Adaci Jr.

Napag-usapan umano rito ang higit pang pagpapalakas ng maritime security gayundin ang regional stability ng Indo-Pacific region, ayon sa post ng US Embassy fb page.
Kasama ng kalihim si US Ambassador to the Philippines MaryKay Carlson sa paglilibot sa mga pasilidad.
Kasunod na dinalaw ni Austin ang Cerberus Agila Subic shipyard na nakatakdang gamitin ng Hyundai bilang shiprepair and building facility.

Inaasahan na sa pamamagitan ng American investment firm na Cerberus at ng Korean company na Hyundai ay muling mapanumbalik ang shipbuilding industry ng bansa.
📸 US Embassy Manila ang Ang Pahayagan


Leave a comment