Sinimulan nang magsasagawa ng oil recovery operation ng Philippine Coast Guard (PCG) sa MV Mirola 1 para masigurong hindi makapagdudulot ng masamang epekto sa kalusugan ng mga residente ang krudo mula sa naturang barko na sumadsad malapit sa Sitio Quiapo, Barangay Biaan, Mariveles, Bataan.
Manu-manong sinasalok ng PCG personnel ang mga tumapong langis sa loob ng barko at inilalagay sa malalaking drum upang dalhin sa itinakdang waste disposal facility.
Kaugnay nito ay naki-isa din ang kasundaluhan ng 69th Infantry “Cougar” Battalion sa pagawa ng mga improvised oil spill boom gamit ang mga materyales tulad ng coconut husk, empty plastic bottles at lambat.

Para naman sa lumubog na MT Terra Nova ang ginagawang mga improvised oil spill boom upang mapigilan ang pagkalat ng tumatagas na langis mula rito.
Katuwang nila sa proyekto ang iba’t-ibang grupo tulad ng Metro Aid, City Environment and Natural Resources Office (CENRO), at mga miyembro ng City Peace and Order Office na isinagawa sa Material Recovery and Composting Facility sa Barangay Munting Batangas, Balanga City, Bataan.
📸 PCG at Cougar Battalion ng Philippine Army


Leave a comment