Ang Pahayagan

Isa pang oil tanker lumubog sa Bataan

BATAAN—Isa pang barko ang iniulat na lumubog sa karagatang sakop ng Bataan nitong Sabado, Hulyo 27.

Iniulat ng Philippine Coast Guard (PCG), na natagpuan na ang lokasyon ng lumubog na diesel cargo vessel na MTKR Jason Bradley malapit sa Barangay Cabcaben, Mariveles ng  nabanggit na lalawigan.

Ayon kay PCG spokesperson Rear Admiral Armando Balilo, nahanap na ng mga PCG divers ang naturang barko nitong hapon ng Hulyo 28 at naselyuhan na din umano ang posibleng pagmulan ng tagas mula rito.

Kinumpirma din ng shipping company na wala umanong kargang fuel ang barko nang ito ay lumubog.

📸 PCG video grab

Leave a comment