Ang Pahayagan

“Oratio Imperata para sa Kapayapaan,” inilabas ng CBCP

Naglabas ang Catholic Bishops’ Conference of the Philippines (CBCP) ng Panalangin para sa Kapayapaan na tinawag na “Oratio Imperata para sa Kapayapaan.”

Inilabas ito sa pamamagitan ng social media post alinsabay sa 128th Plenary Assembly ng CBCP, kung saan hinihikayat ang mga mananampalataya na usalin ito mula Hulyo 25, 2024, hanggang January 1, 2025.

Lakip rito ang pagsusumamo na mapanatili ang kapayapaan at katarungan sa gitna ng tumitinding tension sa iba’-ibang panig ng mundo.

📸 ABS CBN

Leave a comment