Ang Pahayagan

Nawawalang kadete ng PMMA natagpuan na

ZAMBALES – Natagpuan nang bangkay ang nawawalang kadete ng Philippine Merchant Marine Academy (PMMA) na naunang ini-ulat na nawawala at hinihinalang nalunod sa karagatan ilang araw na ang nakalipas na Hulyo 19 sa San Narciso Zambales.

Ayon sa ulat na nakalap mula kay P/Maj. Anthony Berdonar, hepe ng Cabangan MPS, natagpuan kahapon (Hulyo 22) ganap na 5:30 ng hapon, ang bangkay ni Midn/4CL Egie Pegoro y Carampatan, 22 sa dalampasigan ng Brgy San Isidro, Cabangan, Zambales.

Ang biktima ay naunang ini-ulat na nawawala habang naliligo sa La Paz Beach kasama ang kanyang mga ka-klase.

Sa kaugnay na ulat, nagpalabas muli ng pahayag ang PMMA para sa publiko na iwasan ang pagpapalaganap ng video sa social media kaugnay sa pagkakahanap sa bangkay ng biktima,

“We are aware that a video capturing the founding and recovery of Midn/4CL Pegoro’s body has been circulating online. Out of respect for the grieving family and in honor of the deceased, the PMMA kindly requests the uploader to take down the video and the public to refrain from sharing it. We ask that you consider the emotional impact that this has on those close close to Midn/ 4CL Pegoro,” saad sa abiso ng PMMA.

Nagparating din ng pamantasan ang pakikiramay sa pamilya at kaibigan ng biktima.

📸  Cabangan MPS

Leave a comment