ZAMBALES — Isang malawakang search and retrieval operation ang inilunsad para hanapin ang nawawalang kadete ng Philippine Merchant Marine Academy (PMMA) na pinaniniwalaang nalunod habang naliligo sa La Paz Beach ng San Narciso, Zambales.
Sa isang statement na inilabas ng PMMA nitong araw ng Linggo, Hulyo 21, kinumpirma rito na nawawala pa rin sa kasalukuyan si Midn/4CL Egie Pegoro. Kasama umano nito ang apat na kapwa kadete nang maganap ang insidente subalit ang biktima lamang ang nawawala.

Bunsod nito ay kaagad na nagsagawa ng search and rescue operation ang mga kapwa nito kadete ng PMMA, Philippine Coast Guard (PCG) personnel, Provincial Disaster Risk Reduction Management Office (PDRRMO) at mga lokal na lifeguards at surfers na boluntaryong tumulong sa paghahanap sa biktima.
Nakasaad din sa statement na naiparating na sa pamilya ni Pegoro ang nangyaring insidente.
📸 PMMA


Leave a comment