Natugunan ng daan-daang senior citizen sa Zambales ang kanilang mga pangangailangan sa panahon ng personal na krisis nang makatanggap sila ng tulong mula sa magkapatid na Senador Alan Peter at Pia Cayetano nitong linggo.
Nag-abot ang Bayanihan Caravan ng kabuuang P1.5 milyong tulong sa 750 mga senior citizen sa pamamagitan ng Assistance to Individuals in Crisis Situation (AICS) program nitong Miyerkules, July 10, 2024.
Ang AICS ay isang social protection program ng Department of Social Welfare and Development (DSWD) na nagbibigay ng tulong-pinansyal sa mahihirap na Pilipinong nahaharap sa personal na krisis tulad ng kawalan ng pagkain, pagkakasakit, pangangailangang pang-edukasyon, o pagkamatay ng isang miyembro ng pamilya.
Ang inisyatiba, na ginanap sa Subic Sports Complex, ay isinagawa sa pakikipag-ugnayan kina Zambales 1st District Rep. Jefferson “Jay” Khonghun at Subic Mayor Jon Khonghun.
Sa pamamagitan ng Bayanihan Caravan, patuloy na nakikipag-balikatan ang dalawang Cayetano sa mga pambansang ahensya at mga lokal pamahalaan upang matulungan ang mga Pilipino sa mga vulnerable sector na iangat ang kanilang pamumuhay at mapagtagumpayan ang iba’t ibang hamon sa buhay. (PR)


Leave a comment