Ang Pahayagan

One-stop shop ng EMB-R3 isinagawa sa Zambales

Naglunsad ang Environmental Management Bureau Regional Office (EMB-R3) ng pansamantalang one-stop shop bilang bahagi sa pagdiriwang ng Philippine Environment Month.

Isinagawa ang dalawang araw na one stop shop sa PEO Compound, Palanginan-Balili, Iba, noong 20-21 Hunyo bilang bahagi sa programang “Green Wheels: Environmental Compliance On-the-Go” na inilunsad ng EMB-R3 sa probinsya. Layon itong mailapit ang mga serbisyo ng kagawaran sa publiko.

Ang mga serbisyong ibinigay ng EMB-R3 sa mga kliyente ay ang pagsagot sa mga katanungan hinggil sa mandato ng kagawaran at ang pagtulong sa pagpoproseso ng aplikasyon sa Environmental Compliance Certificate, Certificate of Non-coverage, Permit to Operate Air, Wastewater Discharge Permit, Hazardous Waste Generator Registration Certificate at Pollution Control Officer Accreditation.

Isinagawa rin ito upang maitaas ang lebel ng pagsunod ng mga business owner sa mga batas na ipinapatupad ng kagawaran at matiyak ang pangangalaga sa kalikasan maging sa malalayong lugar ng Gitnang Luzon. 📸 EMB-R3

Leave a comment