Ang Pahayagan

Dalawang Chinese vessel, hinihinalang sangkot sa insidente ng pagbundol sa isang bangka sa WPS —PCG

Ini-imbestgahan ngayon ng mga otoridad ang pagkakasangkot ng dalawang barko ng Tsina sa pagbundol sa isang bangkang pangisda noong nakalipas na Hulyo 6 sa Sampaloc Point ng West Philippine Sea.

Ayon kay Philippine Coast Guard (PCG) spokesperson Rear Admiral Armand Balilo, ang mga “suspected foreign vessels” umano ay kinilalang ang Yong Fa Men at Mei Lan Hu.

“We have informed the Chinese Embassy in Manila regarding the incident. We will also write to the China Maritime Safety Agency for their cooperation in the ongoing investigation,” ayon kay Balilo.

Nabatid pa na may koordinasyon na rin ang PCG sa Indonesian Port State Control matapos na malaman na nasa Adang Bay, Indonesia ang nabanggit na mga bapor.

Kaugnay pa rin nito ay nagpapatuloy ang search and rescue operation ng PCG para sa nawawalang mangingisda mula sa Zambales.

Sa naganap na insidente ay nakaligtas ang si Robert Mondoñedo pero hindi mahanap ang kaniyang kapatid na si Jose Mondoñedo matapos ang insidente.

Leave a comment