SUBIC BAY FREEPORT– Sinimulan na ng Subic Bay Metropolitan Authority (SBMA) ang halos isang linggong selebrasyon para sa Arbor Day sa pamamagitan ng iba’t-ibang aktibidad pangkalikasan na lalahukan ng mga stakeholders ng Subic Bay Freeport zone.
Ang taunang selebrasyon na may tema ngayon na “Kanian Tiawon, Kanina Bi-ag, Kanian Bi-ay,” o Our Forest, Our Home, Our Life ay itinataguyod ng SBMA Ecology Center.
Ayon kay SBMA Regulatory Group at Ecology Center manager Amethya Dela Llana-Koval, pinakatampok sa mga gaganaping aktibidad ang tree planting sa Laywa Reforestation Site sa temang Magtanum kitamo: Subic Bay’s Arbor Day.
Nilalayon ng pamunuan ng SBMA na paunlarin bilang bagong eco-tourism area ang Laywa Reforestation Site sa Sitio Pastolan, Hermosa, Bataan.
May mga gaganapin din na Tiawon Talks: Arbor Day Lectures mula Hunyo 25 hanggang 27 bilang bahagi ng selebrasyon.
Sa opening ceremony noong Lunes sa Harbor Point Ayala Mall, pormal na binuksan ang “Haati na akyo nabyay ha dyikot” o “Dito na ako nabuhay sa gubat” Exhibit na tatakbo hanggang Hunyo 28.
Ang Arbor Day ay itinatadhana sa Republic Act 10176, bilang “Arbor Day Act of 2012.”
📸 Masayang pinasinayaan nina SBMA Chairman and Administrator Eduardo Jose Aliño at SBMA Regulatory Group at Ecology Center manager Amethya Dela Llana-Koval ang “Haati na akyo nabyay ha dyikot” o “Dito na ako nabuhay sa gubat” Exhibit na bahagi ng Arbor Day celebration sa Subic Bay Freeport. (Larawan mula sa SBMA Ecology Center)


Leave a comment