Ang Pahayagan

Kauna-unahang corvette ng Philippine Navy inilunsad na ng HHI sa Korea

Inilunsad na ng HD Hyundai Heavy Industries (HHI) ang kauna-unahang corvette ng Pilipinas sa shipyard ng kumpanya sa Ulsan, South Korea nitong Martes, Hunyo 18.

Ang naturang bapor na papangalanang Miguel Malvar ang natatanging corvette para sa Philippine Navy.

Ito ay isang 3,200-ton naval ship, na may habang 118.4 meters at lapad  na 14.9 meters. Mayroon itong anti-ship missiles, vertical launching system at active electronically scanned array (AESA) radar.

Ang naturang warship ay may bilis na 15 knots (28 kilometers per hour) at may cruising range na kayang umabot ng 4,500 nautical miles (8,330 kilometers).

Sinaksihan ang paglulunsad sa naturang bapor nina Defense Secretary Gilberto C. Teodoro Jr., Chief of Staff of the Armed Forces Romeo S. Brawner Jr. at Flag Officer-in-Command Toribio Adaci Jr ng Philippine Navy. (Detalye at larawan mula sa Korea Times)

Leave a comment