Ang Pahayagan

Crop processing seminar itinaguyod ng DAR-Zambales at PRMSU

ZAMBALES—Nagsagawa ng tatlong araw na pagsasanay ang Department of Agrarian Reform (DAR) Zambales sa ilalim ng Product Development at ng Village Level Farm-Focused Enterprise Development (VLFED) na ginanap sa President Ramon Magsaysay University (PRMSU) -San Marcelino Campus bilang dagdag kaalamang pangkabuhayan para sa mga agrarian reform beneficiaries organizations ng lalawigan.

Ang naturang aktibida ay itinaguyod sa pagitan ng DAR-Zambales sa pangunguna ni Provincial Agrarian Reform Program Officer II Engr. Emmanuel G. Aguinaldo at PRMSU Professor Dona V. Paras na nagsilbing pasilitador sa tatlong araw na pagsasanay.

Kabilang sa natalakay sa pagsasanay ang hinggil sa banana flour processing, sweet potato flour processing, cassava flour processing at Malunggay powder processing.

Kabilang sa sumailalim sa naturang pagsasanay ang mga miyembro ng Balaybay Small Water Impounding Irrigators Association Inc., Nagbayan Farmers Agriculture Cooperative, Samahan ng mga Magsasaka ng Poonbato, Zambales Competitive Farmers Association, Dojoc Farmers Association Inc., at Gurung-guru Farmers Association Inc.

📸 DAR-Zambales

Leave a comment