Ang Pahayagan

DA-Gitnang Luzon namigay ng Fuel Subsidy Card para sa mga magsasaka ng Pampanga,

Inumpisahan na ng Kagawaran ng Pagsasaka Gitnang Luzon sa ilalim ng Field Operations Division ang pamimigay ng fuel subsidy sa mga magsasaka ng mga bayan ng Arayat, Sta. Ana at lungsod ng San Fernando sa pamamagitan ng caravan na isinagawa sa Arayat Sports Complex (Glorietta) Arayat, Pampanga.

Layunin ng nasabing programa na matulungan ang mga magsasaka na gumagamit o nagrerenta ng mga makinaryang pansaka na naapektuhan ng pagtaas ng presyo ng krudo. Ang bawat magsasaka ay binigyan ng Fuel Assistance Card na may laman na Php3,000.

Katuwang sa proyektong ito ang Development Bank of the Philippines o DBP kung saan nasa 14,500 magsasaka ng Gitnang Luzon ang aasahang makikinabang sa programa.

Dinaluhan ang caravan ng OIC-Regional Executive Director Dr. Eduardo L. Lapuz, Jr.; hepe ng Field Operations Division Elma Mananes; Regional High Value Crops Development Program Focal Person Engr. AB P. David; Regional Corn Program Focal Person Melody Nombre, Municipality of Arayat Mayor Hon. Ma. Lourdes M. Alejandrino; at Arayat Municipal Agriculturist Rodel Lising.

Ayon ka Mananes, magagamit lamang aniya ang assistance sa gasolina o krudo para sa mga makinaryang pansakahan. Pinaalalahanan niya ang mga benepisyaryo na ipinagbabawal na ipagpalit sa pera ang laman ng ipinamigay na fuel assistance card.

Leave a comment