ZAMBALES — Ideneklara ng Atin Ito Coalition na matagumpay ang kanilang ikalawang civilian mission sa West Philippine Sea matapos na makatagos ang kanilang advance team sa Bajo de Masinloc at makapagpamahagi ng mga food packs at gasoline fuel sa mga mangingisdang naroon.
Ito ang inanunsyo ni Rafaela David, ang co-convenor ng Atin Ito, makaraan na malampasan aniya ng kanilang advance team ang panghaharang umano ng Chinese Coast Guard.
“Despite China’s massive blockade, we managed to breach their illegal blockade, reaching Bajo de Masinloc to support our fishers with essential supplies. Mission accomplished,” mariing pahayag ni David.
Napag-alaman na ang naturang advance team ay naunang naglayag ng isang araw bago lumarga ang Atin Ito main convoy. Nakarating ito 25-30 nautical miles sa bisinidad ng Bajo de Masinloc noong May 15.
Binubuo ng sampu kataong advance team na mga miyembro ng Akbayan Party, Pambansang Katipunan ng mga Samahan sa Kanayunan (PKSK) at Philippine Rural Reconstruction Movement (PRRM). Nakapagpamahagi sila ng 200 food packs at 1,000 litro ng gasolina para sa 144 na mga mangingisda na lulan ng anim na mother boats at 36 na maliliit na bangka sa Bajo de Masinloc.
Tagumpay po tayo! This mission is a tremendous success. We have achieved so many things despite the extraordinary challenges. Mabuhay ang Pilipinas at ang mamamayang Pilipino. West Philippine Sea, atin ito!” ani David. (Ulat para sa Ang Pahayagan / JUN DUMAGUING)
📸 Larawan mula sa Akbayan Party.


Leave a comment