ZAMBALES— Lumayag na ang civilian supply mission ng grupong Atin Ito Coalition patungong Scarborough Shoal o Bajo de Masinloc mula sa pantalan ng Matalvis sa bayan ng Masinloc, Zambales umaga ng Miyerkules (Mayo 15).
Sa pahayag ni Rafaela David. Akbayan Party presidente at convenor ng naturang grupo, hindi aniya sila natitinag sa kabila ng mga ulat na mayroon nang naka-abang na mga barko ng Chinese Coast Guard at militia sa pinagtatalunang teritoryo.
“We shall press forward with our peaceful voyage undeterred by any intimidation,” pagdidiin ni David.
“The primary objectives of the mission are to conduct a ‘peace and solidarity regatta’ within our EEZ, during which symbolic markers/buoys emblazoned with the rallying cry ‘WPS, Atin Ito!’ (WPS is ours!) will be placed to reinforce our country’s territorial integrity,” saad pa ni David sa briefing bago lumarga ang kanilang grupo.
Naka-antabay sa pag-alis ng may 100 mga bangka ng Atin Ito Coalition convoy ang mga kagawad ng Philippine Coast Guard habang nangako naman ang Philippine Navy na babantayan ang civilian supply mission habang nasa West Philippine Sea.

Bago tumulak ang grupo ay nagkaroon muna ng misa sa Botolan gayun din ang final briefing sa mga kalahok na kinabibilangan ng mga nagmula sa iba’t-ibang sector at ilang miyembro ng media.
Plano ng grupo na mamahagi ng mga donasyon sa mga mangingisdang apektado ang kabuhayan dahil sa tensyon sa Bajo de Masinloc. Ang hakbang na ito anila ay kanilang pamamaraan ng pagpapakita sa karapatan na tumulong sa kapwa Pilipino.
Kung sakaling magkaroon naman umano ng anumang uri ng pangha-harass mula sa Tsina ay may mga nakahanda naman na aniya silang “precautionary measures” ukol dito.
📸 Kontribusyon na mga larawan mula kay Joey Marabe


Leave a comment