ZAMBALES– Itinanghal na Grand Winner ang booth ng bayan ng Castillejos sa katatapos na Parayawan Agri-Tourism Showcase alinsabay sa Dinamulag Festival 2024 na ginanap sa Zambales Sports Complex, Iba, Zambales.

Sa naturang kontes ay nakopo ng Castillejos ang premyong nagkakahalaga ng Php370,000 at ang karagdagan pang Php10,000 bilang Top Seller booth.

Pangalawa naman ang bayan ng Botolan na tumanggap ng Php 320,000 at ang karagdagan para sa kategoryang Best Booth Personnel.
Pumangatlo sa patimpalak ang bayan ng San Antonio (Php 270,000) na sinundan ng San Marcelino (Php220,000) at San Narciso (Php200,000) para sa ika-apat at ika-limang pwesto ayon sa pagkakasunod.

Ang Parayawan o “ipinagmamalaki” ay pagtatanghal ng bawat munisipalidad kanilang mga lokal na produkto dito sa Zambales gayundin ng mga ibinibidang lugar panturismo na matagpuan sa kanilang bayan. (Ulat at larawan para sa Ang Pahayagan / JUN DUMAGUING)


Leave a comment