Ang Pahayagan

Mga Cayetano, nag-abot ng tulong sa libu-libong apektado ng El Niño sa Pangasinan

Nakatanggap ng kinakailangang tulong ang 4,800 Pangasinense mula sa mga opisina nina Senador Alan Peter at Pia Cayetano sa kanilang apat na araw na pagbisita sa Lalawigan ng Pangasinan noong April 15-18, 2024.

Ang mga tulong na ito ay maituturing na mahalaga sa gitna ng kasalukuyang nararanasan ng probinsya na matinding tagtuyot dahil sa El Niño na nakakaapekto sa mga pananim at kakulangan suplay ng tubig.

Iba’t ibang sektor mula sa mga bayan ng Dagupan, Alaminos, San Nicolas, Malasiqui, Bayambang, at San Carlos City ang nakatanggap ng tulong sa pamamagitan ng nagkakaisang pagsisikap ng magkapatid na senador at ng Assistance to Individuals in Crisis Situation (AICS) program ng Department of Social Welfare and Development (DSWD).

Sa kanyang pagharap sa mga benepisyaryo mula sa mga sektor ng mga ambulant vendors, sari-sari store owners, solo parents, at mga kababaihan, hinikayat ni Dagupan Mayor Belen Fernandez na gamitin nang kapaki-pakinabang ang tulong na ipinagkaloob ng mga senador sa kanilang komunidad.

“Kahit sobra silang busy, hindi nila tayo pinapabayaan dito sa Dagupan. Sa pagtanggap niyo ng AICS, huwag ninyo itong sasayangin. Maganda itong ipang-dagdag sa inyong kapital. Tayo ay masuwerte dahil tayo ay tinutulungan,” wika niya.

Sa bayan ng Alaminos, karagdagang grupo ng 1,000 residente mula sa mga sektor ng mga senior citizens, solo parents, persons with disabilities (PWDs), at mga indigent ay nakinabang din mula sa Cayetano-DSWD partnership, sa tulong ni Mayor Bryan Celeste.

Kabilang sa kanila si Jesica Caasi, isang solo parent at cancer survivor, na nananatiling positibo at sinabing hindi hadlang ang kanyang kalagayan sa kakayahang tumulong sa kanyang pamilya. Nagpapasalamat siya sa mga senador sa tulong na ibinigay at plano niyang gamitin ito upang mapalago ang kanyang negosyong sari-sari store.

“Napakalaking tulong po talaga nitong iniabot nina Senator Alan at Senator Pia dahil napamahal na po ng mga bilihin. Magagamit ko po ito bilang pandagdag-puhunan. Sana po marami pa po kayong matulungan,” wika niya.

Upang tulungan ang marami pang Pangasinense, inabot din ng mga senador ang bayan ng San Nicolas kung saan karagdagang 1,000 benepisyaryo mula sa mga sektor ng magsasaka, kababaihan, at indigenous people ang natulungan sa pamamagitan ng suporta nina Mayor Alicia Enriquez at Vice Mayor Alvin Bravo.

1,800 na Micro-, Small and Medium-sized Enterprises (MSMEs) owners din mula sa mga bayan ng Malasiqui, Bayambang, at San Carlos City ang nabigyan ng suportang pang-kapital sa pakikipagtulungan ng mga senador kay 3rd District Representative Maria Rachel J. Arenas.

Ang mga inisyatibong ito ay bahagi ng patuloy na pagsisikap nina Senador Alan Peter at Pia Cayetano sa pag-abot sa mga marginalized communities sa bansa. Sila ay malapit na nakikipagtulungan sa mga ahensya ng gobyerno at mga lokal na pamahalaan upang matiyak na ang mga Pilipinong nangangailangan ay makatanggap ng kinakailangang tulong. (PR)

Leave a comment