Ang Pahayagan

Pinakamalaking Balikatan Exercise sisimulan ngayon

Sinimulan ngayong araw ang pinakamalaking Balikatan joint military exercise sa pagitan ng Pilipinas at Estados Unidos. na lalahukan ng 16,700 na mga sundalo at may labing-apat (14) na mga bansa ang makikiisa bilang mga observer.

Ayon sa pahayag ng Armed Forces of the Philippines (AFP), ang mga bansa na makikiisa bilang mga observers ay ang Brunei, Canada, France, Germany, India, Indonesia, Japan, Malaysia, New Zealand, Singapore, South Korea, Thailand, United Kingdom, at Vietnam.

Nabatid kay Philippine Army Spokesperson Col. Louie Dema-ala na ang naturang pagsasanay ito na ang pinakamalaking Balikatan Exercise sa loob nagdaang apat na dekada.

Tampok sa Balikatan Exercise 2024 ang command and control, field training, humanitarian civic assistance at multilateral maritime exercise or joint sailing exercise sa loob ng exclusive economic zone ng bansa.

Layon rito na magkaroon ng kolaborasyon at pagpapalakas ng interoperability sa pagitan ng mga magkaalyadong bansa at tatagal ang pagsasanay hanggang Mayo 10. (30)

Leave a comment