Ang Pahayagan

DBM, naglabas ng ₱1.295 bilyong pondo para sa electrification ng mga paaralan at modernisasyon ng mga electrical systems

Inaprubahan ng Department of Budget and Management (DBM) ang pagpapalabas ng Special Allotment Release Order (SARO) na may kabuuang halagang ₱1.295 bilyon sa Department of Education (DepEd) upang i-cover ang pangangailangan sa pondo para sa electrification ng mga paaralan na wala pang kuryente at ang modernisasyon ng mga electrical systems sa mga on-grid na eskwelahan sa buong bansa.

“Let us light up every classroom, sparking curiosity and igniting dreams. In the spirit of the Bagong Pilipinas, where discipline, prudence, continuous learning, patience, and integrity are paramount, let us collectively work toward a brighter future for our beloved Philippines under the visionary leadership of President Ferdinand R. Marcos, Jr.,” pahayag ni Sec. Mina.

“Investing in education means we are also investing on the needed facilities of our students. Malaking tulong po itong pondo para maging mas kumportable ang ating mga mag-aaral at guro sa kanilang classrooms,” dadag pa niya.

Isinasaad ng Special Provision ng FY 2024 General Appropriations Act (GAA) na ang kabuuang ₱1.295 bilyon ay inilaan sa ilalim ng Program/Activity/Project (PAP) – Basic Education Facilities (BEF), na gagamitin para sa electrification ng mga paaralang wala pang daloy ng kuryente at ang modernisasyon ng mga electrical systems sa mga on-grid na eskwelahan.

Ito ay maglalaman ng pag-upgrade ng mga umiiral na electrical power systems sa mga kasalukuyang gusali, pagbili at pag-install ng angkop na mga transformer, at/o pagbili at pag-install ng mga solar power system kung kinakailangan at angkop para sa paggamit ng renewable energy.

Itinatakda din ng Special Provision na bigyang-prayoridad ng DepEd ang paggamit ng solar energy sources para sa pagbibigay ng kuryente sa parehong off-grid at on-grid na pampublikong paaralan.

Ang inilabas na pondo ay kukunin mula sa built-in appropriations ng DepEd sa ilalim ng FY 2024 GAA. Inaprubahan ni DBM Secretary Pangandaman ang pagrelease ng SARO para sa nasabing layunin noong 01 Marso 2024. (PR)

Leave a comment