Ginawaran si Department of Budget and Management (DBM) Secretary Amenah “Mina” F. Pangandaman ng parangal na “People of the Year” 2024 sa kategorya ng public service ng PeopleAsia Magazine sa Grand Ballroom, City of Dreams Manila noong Martes, ika-19 ng Marso 2024.
Ang prestihiyosong pagkilala ay ibinibigay sa mga natatanging mga indibidwal na nagbigay ng malaking kontribusyon sa kanilang mga larangan at malalim na naapektuhan ang buhay ng iba.
Inalay ng Budget Secretary ang kanyang tagumpay sa DBM family at sa lahat ng mga empowered na kababaihan sa serbisyo publiko, kasabay ng kanyang pagpuri sa kanilang dedikasyon sa nation-building.
”In serving in the government for two decades, I have come to know faithful female public servants who have found their purpose in serving the Filipino people and have been working really hard to strengthen our communities and this nation as a whole. Many of them I’ve met at the DBM. And it’s my honor to lead them in the pursuit of our economic goals,” masayang sinabi ni Secretary Pangandaman.
Si Secretary Pangandaman, ang nag-iisang Muslim na miyembro ng Gabinete ni Pangulong Ferdinand Marcos Jr. at ang tanging babaeng miyembro ng economic team ng bansa, ay kinilala ng bi-monthly magazine para sa kanyang makabuluhang impluwensya sa ekonomiya ng Pilipinas sa pamamagitan ng kanyang transformative impact sa economic landscape ng Pilipinas sa pamamagitan ng mga groundbreaking budgetary reforms at kahusayan sa pamumuno sa DBM.
Sa ilalim ng kanyang gabay, naging isa sa mga pinakamahusay na ahensya ng gobyerno ang DBM ng administrasyon ni Pangulong Ferdinand Marcos Jr. Kapansin-pansin, ang 2023 General Appropriations Act (GAA) ay naipasa sa record speed, na nagpapahiwatig ng isang milestone sa pamamahala ng Pilipinas.
Higit sa kalahati ng mga awardees ngayong tao ay mga kababaihan, kabilang sina Deputy Speaker ng House of Representatives Rep. Camille Villar, president at CEO ng Shell Pilipinas Corp. na si Lorelie Osial, head ng Grab Philippines na si Grace Vera Cruz, Consul General Fortune Ledesma, Miss Universe 2015 Pia Wurtzbach, at Broadway at West End star na si Rachelle Anne Go.
Kabilang din sa mga tumanggap ay ang GT Capital Holdings vice chairman at Toyota Motors Philippines chairman na si Alfred Ty, Rizal Commercial Banking Corp. president at CEO na si Eugene S. Acevedo, Volvo Philippines president at CEO na si Atty. Albert Arcilla, Asian gold winner at Olympic pole vaulter na si EJ Obiena, Barangay Ginebra at Gilas Pilipinas head coach na si Tim Cone, at fashion designer na si Puey Quiñones.
Samantala, ang pangulo at CEO ng Sta. Elena Construction Corp., si Alice Eduardo, ay binigyan ng Lifetime Achievement Award, ang pinakamataas na parangal. “This award serves as a challenge to inspire and raise more exceptional women who will lead this country to its prosperous future… As I would always say, we rise by lifting others,” pagtatapos ni Secretary Pangandaman. (PR)


Leave a comment