PAMPANGA— Bilang bahagi sa selebrasyon ng International Women’s Month, pinangunahan ng Kagawaran ng Pagsasaka para sa Gitnang Luzon o DA RFO 3 sa ilalim ng Gender and Development Focal Point System (GADFPS) at Agribusiness and Marketing Assistance Division (AMAD) ang Kadiwa Pop-up Store sa Main Office nito sa Barangay Maimpis, City of San Fernando, Pampanga.
Ayon kay AMAD Market Specialist Eugenio Patawaran, layunin ng itinayong Kadiwa Pop-up store na mabawasan ang presyo ng mga agri-commodities para sa mga mamimili kung saan itinanghal rito ang mga natatanging produkto sa mababang presyo.
Makikita sa Kadiwa Pop-up store ang iba’t ibang bilihin o produkto kagaya ng gulay at prutas, plant habitat, salted eggs, crab paste, dried fish, at marami pang iba.
Dagdag pa ni Patawaran na ang aktidad ay matatawag na “Farm-To-Table,” na pawang produkto ng mga magsasaka at Agri-Enterprises gayundin ang karamihan sa mga naging exhibitors ng nasabing aktibidad ay kababaihan bilang bahagi ng Women’s Month celebration.


Leave a comment