Pinangunahan ng Agusuhin High School ang isinagawang coastal clean-up at mangrove planting sa Sitio Agusuhin, Cawag, Subic, Zambales bilang pakiki-isa sa pagdiriwang ng World Wildlife Day nitong Linggo, Marso 3.

Ang project proponent ng aktibidad na si ni Raine Montevilla Carol C. Coloma and nanguna rito kung saan naging katuwang ng mga guro at estudyante ang mga kinatawan mula sa iba’t ibang sangay ng gobyerno tulad ng Philippine Navy, PNP-Subic, BFP-Subic, Philippine Coast Guard CGS Zambales, BJMP, Dept. of Agriculture-Subic, mga opisyales ng Barangay Cawag at mga residente sa lugar. (Detalye at mga larawan mula sa Punong Guro na si G. Dick C. Raguine at Kimberly Nicole O. Garcia ng Agusuhin High School)


Leave a comment