SUBIC BAY FREEPORT—Ipinag-utos ng hepe ng Land Transportation Office (LTO) ang imbestigasyon sa umano’y naganap na road rage incident sa loob ng Subic Freeport Zone sa Zambales noong nakalipas na Biyernes (Pebrero 16).
Bunsod ito sa kumakalat na isang video kung saan makikita ang isang Toyota Fortuner na bumangga sa isang itim na Hyundai na kotse malapit sa golf course area.
Makaraan ang pagbangga sa kotse ay makikita din sa video ang pag-alis ng naturang Toyota Fortuner na anomo’y walang insidenteng naganap..
Inaalam pa ng LTO, ang pagkakakilalan sa driver ng Toyota Fortuner at kasalukuyang iniimbestigahan pa ang mga detalye sa pangyayari.
Bunsod nito ay inatasan ni LTO chief Vigor Mendoza III ang regional LTO director for Central Luzon na mag-isyu ng Show-Cause Order sa tsuper ng Toyota Fortuner.
Sinabi ni Mendoza, malinaw sa video na hindi katanggap-tanggap ang inasal ng driver kung saan matapos umano banggain ay tinakbuhan pa ang kanyang responsibilidad.
“Malinaw sa video na hindi katanggap-tanggap ang inasal ng driver kung saan matapos banggain ay tinakbuhan pa ang kanyang responsibilidad,” pahayag ni Mendoza.
Nagpasalamat si Mendoza sa nag-upload ng video at sa mga testigo na nagbigay ng conduction sticker number ng Toyota Fortuner alinsabay sa pagtiyak nito sa agarang pagkilos ng ahensya laban sa rehistradong may-ari at driver ng sasakyan.
📸 FB film grab via Batang Gapo’


Leave a comment