BATAAN — Ipinamahagi ng Kagawaran ng Pagsasaka para sa Gitnang Luzon katuwang ang Philippine Center for Postharvest Development and Mechanization o PHilMech ang ₱35.37 milyong halaga ng mga makinaryang pansaka sa Abucay, lalawigan ng Bataan.
Kabilang sa ipinamahagi ang 7 four-wheel tractor, 12 hand tractor, 2 riding type transplanter, 8 rice combing harvester, at 1 single pass rice mill para sa mga benepisiyaryo mula sa 23 samahang pansakahan sa mga bayan ng Abucay, Hermosa, Orani, Samal, Balanga City, Orion, Bagac, at Dinalupihan.

Inaasahan ng Kagawaran at ng lokal na pamahalaan ng Bataan na ang mga makinaryang ito ay lubos na makatutulong sa mga magsasaka ng probinsiya at magiging katuwang sa pagpapaunlad ng sektor ng agrikultura.
Sa pamamagitan ng ipinamahaging makinarya ay inaasahang makatutulong ito upang mapataas ang antas ng pagsusulong ng makabagong teknolohiyang para sa agrikultura at proyektong mekanisasiyon ng Kagawaran ng Pagsasaka.
📸 Department of Agriculture Central Luzon


Leave a comment