OLONGAPO CITY— Naghatid saya si Olongapo City Mayor Lenj Paulino nang mamahagi ito ng tig Php4,000 sa mga Persons Deprived of Liberty (PDL) na tumulong sa paggawa ng mga Christmas Parol na ginamit ng siyudad noong nakalipas na Kapaskuhan.
Ito ay isinagawa ng alkalde sa kanyang pagbisita sa Bureau of Jail Management and Penology (BJMP) sa Barangay Baretto kamakailan.
Labing-limang (15) mga PDL’s ang binahaginan ng Paulino ng Php 4,000 pesos kada isa, na bunga ng kanilang pagsisikap at abilidad sa pag gawa ng mahigit 101 parols.
Ang proyektong ito ay naging posible sa pangunguna ng lokal na pamahalaan ng Olongapo, Special Programs and Services Office Head Mega Dela Vega, BJMP, at Trainors Mark Lhen Flores at Ricky G. Genove ng Smiling Star.
Ang kinita ng mga PDL ay mapupunta sa kani-kanilang mga pamilya na kung kaya’t nagpasalamat ang punong lungsod sa lahat ng mga business owners na tumangkilik sa mga nagawang Christmas lanterns. (Ulat at larawan mula sa Olongapo City Information Center)


Leave a comment