SUBIC BAY FREEPORT– Nahanap na ang 26-anyos na babae na iniulat na ilang araw nang nawawala makaraan na nakitang pagala-gala ito sa Waterfront area sa Subic Bay Freeport.
Nabatid mula kay Olongapo City Vice Mayor Jong Cortez, natagpuan si Mary Rose Cachuela Agasa, residente ng Barangay San Miguel, San Antonio, Zambales sa harapan ng SBMA Administration, Building 229.
Unang ipinanawagan ng mga kamag-anakan ng babae na ito ay nawawala matapos na lumabas sa kanilang bahay noong madaling-araw ng Enero 3. Sinasabing din sa mga anunsyo may konting problema sa pag-iisip umano si Mary Rose.
Nirespondihan ng mga Subic Bay Metropolitan Authority (SBMA) Security Officers na sina Jose Rizal Llarves at Nixon Calma ang isang tawag mula sa concern citizen ang hinggil sa kinaroroonan ng babae.
Kagabi din ay dumating na ang mga kaanak ni Agasa upang sunduin ito mula sa pangangalaga ng SBMA LED.
📸 Nasa larawan na nagkita na si Mary Rose at mga kaanak nito na nagsadya sa Subic Bay Freeport upang sunduin ito. (Larawan mula sa SBMA-LED via VM Jong Cortez)


Leave a comment