OLONGAPO CITY– Binisita ni Olongapo City Mayor Atty. Rolen Paulino Jr. ang mga dialysis patients sa James L. Gordon Memorial Hospital Dialysis Center Unit.
Kasama niya si Hospital Chief Dr. Jesse Jewel Manuel sa ginawang paglilibot at pakikipag-usap sa mga kaanak ng mga pasyente upang alamin ang kanilang mga panganga-ilangan.
Nabatid mula sa alkalde na ang kanyang Kuya Kiko ang inspirasyon niya para sa serbisyong ito, at nangangakong itutuloy ang tulong na ibinibigay sa residente na hindi kaya ang gastos sa regular na dialysis, saad sa Social Media post ng Olongapo Information Center. (Larawan mula sa Olongapo City Information Center)


Leave a comment