Ang Pahayagan

Taiwan Technical Mission Demonstration Farm, pinasinayaan

TARLAC- Pormal na pinasinayahan ang Taiwan Technical Mission Demonstration Farm sa Tarlac City nitong nakalipas na Biyernes, Disyembre 15, 2023.

Ang aktibidad ay dinaluhan ng mga opisyales mula sa Taiwan Embassy sa pangunguna ni Ambassador Wallace Chow, Director-General Yupin Lien ng Department of International Economic Affairs ng Ministry of Foreign Affairs at Secretary-General Charles Li ng National Association.

Sinamahan sila ni Silvestre Bello III, Chairperson ng Manila Economic and Cultural Office,

Office of Undersecretary for Operations Engr. Roger Navarro, Regional Technical Director for Operations and Extension Dr. Eduardo Lapuz, Jr., Tarlac Governor Susan Yap, at Congressman Christian Yap.

Tampok sa isinagawang unveiling ceremony ang Agricultural Machinery Warehouse na nagpapakita ng iba’t ibang kagamitang pang-agrikultura, Agricultural Waste Processing Facility na nagtatampok ng composting demonstration, at ang mga Steel-structured Controlled Environment Greenhouses na may mga advanced na sistema para sa pagpapalago ng mga pananim at kulturang pang-agrikultura.

Ipinakita sa Demonstration Field Area ang iba’t ibang teknik at teknolohiya sa pagsasaka na malaking tulong para sa mga lokal na magsasaka at mangingisda.

Layunin ng nasabing proyekto na magbigay ng bagong pag-asa at oportunidad para sa pagsulong ng sektor ng agrikultura sa Tarlac City, at maging daan para sa mas mataas na antas ng kooperasyon at pagkakaunawaan sa pagitan ng Taiwan at Pilipinas sa larangan ng teknolohiya at agrikultura.

Leave a comment