Idineklara ni Pangulong Ferdinand R. Marcos Jr. ang Disyembre 26, 2023 bilang special non-working day upang mabigyan ng mas mahabang panahon ang mga Pilipino na maipagdiwang ang Kapaskuhan.
“The declaration of 26 December 2023, Tuesday, as an additional special (non-working) day will give the people the full opportunity to celebrate the holiday with their families and loved ones,” saad sa Proclamation No. 425.
Nilagdaan ni Executive Secretary Lucas P. Bersamin ang Proclamation No. 425 nitong Martes, December 12.
Ani pa ni Pangulong Marcos, “a longer weekend will also promote domestic tourism” dahil ang araw ng Pasko na ipinagdiriwang bilang regular holiday sa buong bansa ay pumatak sa araw ng Lunes.
Kaugnay din nito ay Inatasan ng Pangulo ang Department of Labor and Employment (DOLE) na maglabas ng kaukulang circular upang maipatupad ang proklamasyon para naman sa pribadong sektor.


Leave a comment