Ang Pahayagan

‘Atin Ito’ coalition Christmas convoy, tagumpay pa rin na makapaghatid ng handog sa Lawak Island

MANILA—Sa kabila na kinailangang bumalik ang pangunahing barko ng ng “Atin Ito” Christmas convoy na MV Kapitan Felix Oca sa Palawan, sinabi ng mga organizer nito na nagawa ng isang mas maliit na supply boat na makarating sa Lawak Island sa West Philippine Sea.

Ayon sa koalisyon, ang ML Chowee, isang mas maliit na supply boat ang nagawang magdala ng mga suplay at Christmas packages sa Lawak.

“ATIN ITO’s supply boat slipped Chinese marine vessels arriving at Lawak Island on 11 December, 5:00 am. (It got through)!” ayon sa isang statement.

“They are now in the process of dropping off donations and supplies with the help of frontliners stationed in the area,” saad pa sa kalatas.

Napag-alaman na napilitang bumalik sa El Nido, Palawan noong Linggo, Disyembre 10, ang civilian-led convoy na magdadala sana ng mga regalo at donasyon sa mga sundalo at residente sa ilang lugar sa West Philippine Sea.

Nagsimula ang convoy noong Biyernes sa Maynila na may 40 volunteers dala ang mga donated food packs, canned goods, bigas, hygiene kits, electronic gadgets, solar lamp at mga laruan para sa ekspedisyon.

Ang Koalisyon ng Atin Ito ay binubuo ng mga grupong Philippine Rural Reconstruction Movement, Pambansang Kilusan ng mga Samahang Magsasaka, Center for Agrarian Reform for Empowerment and Transformation, Pambansang Katipunan ng mga Samahan sa Kanayunan, Team Manila Lifestyle, Akbayan Youth at Student Council Alliance of the Philippines.

Sa kabila ng pagkansela ngayong taon sa naturang ekspedisyon, nanindigan naman ang Atin Ito Coalition na ito panimula lamang umano sa marami pang misyon na isasagawa sa South China Sea.

📸 Mga larawan mula sa Atin Ito.

Leave a comment