Ang Pahayagan

Karumal-dumal na pagpaslang, kuha sa bus cctv

NUEVA ECIJA — Viral sa social media ang video ng dalawang pasahero na binaril ng malapitan sa loob ng pampasaherong bus sa Caranglan, Nueva Ecija.

Makikita sa video na malapitan na binaril ng mga suspek ang dalawang biktima na nakaupo sa front passenger seat ng bus malapit sa drayber.

Ayon sa imbestigasyon ng pulisya, bumabagtas sa direksyong southbound patungong Maynila ang Victory Liner bus sa parte ng Barangay Minuli nang tumayo mula sa gawing likuran ang dalawang lalaki at binaril ang mga biktimang natutulog.

Makaraan nito ay inutusan ng mga salarin na nakasuot ng face mask ang tsuper ng bus na huminto at bumaba ang mga suspek sa Maharlika Highway.

Inireport ng bus driver ang insidente sa pulisya na ngayon ay nagsasagawa ng follow up investigation.Tinitingnan din ng mga imbestigador ang iba’t-ibang anggulo sa krimen na kung saan napag-alaman na parehong may negosyo ang dalawang biktima.

📸 Screengrab photo mula sa dashcam video ng Victory Liner bus kung saan makikitang binaril ang dalawang pasahero nitong Miyerkules, Nobyembre 15, 2023.

Leave a comment