SUBIC BAY FREEPORT—Hinikayat ni Zambales Governor Hermogenes E. Ebdane, Jr. ang kahandaan sakaling magkaroon ng Chemical, Biological, Radiological and Nuclear (CBRN) emergencies sa hinaharap.
Ito ang mensahe ng gubernator na siya ring Regional Peace and Order Council III Chairman, alinsabay sa pagbubukas ng tatlong-araw na Inter-agency workshop-planning sa Subic Bay Freeport.
Ayon kay Ebdane, isang oportunidad ang ganitong pagsasanay para sa mga delegado kung saan inaasahan na magagawa mula rito ng mga pre-emptive actions upang maiwasan ang ganitong sakuna.
Bahagi sa nasabing workshop ang mga table-top discussion at mga pagpapaplano na magtatapos sa isang full-scale simulation exercise (SimEx) sa pinakahuling araw ng pagsasanay.
Ito ay dinisenyo upang masuri ang kakayahan sa sistema ng pamamahala ng emergency situation.
“What you must understand is the process and procedure on how to manage the incident… hindi porke natapos na ang insidente eh natapos na,” pa-alala ni Ebdane.


Leave a comment