OLONGAPO CITY—Apat katao ang kumpirmadong namatay makaraang salpukin umano ng isang dumptruck ang isang kotse sa kahabaan ng Jose Abad Santos Avenue, New Cabalan dito nitong Linggo (Nobyembre 12) ng gabi.
Sa ulat ng pulisya, naganap ang insidente dakong alas-8:00 ng gabi sa zigzag road kung saan sinalubong ang kotseng Toyota Camry na may plakang XPR 424 ng isang dumptruck na may plakang CAK 1460.
Kinilala ang mga nasawing biktima na pawang sakay sa kotse na sina Renz Tiu; Veronica Ng; Romnick Tiu; at Carlo Esguerra, pawang residente ng naturang siyudad.
Hindi naman nasaktan ang drayber ng naturang dumptruck na nasa kustodiya na ngayon ng pulisya. (Ulat sa Ang Pahayagan ni JUN DUMAGUING)


Leave a comment