PAMPANGA— Pormal na binuksan ng Kagawaran ng Pagsasaka para sa Gitnang Luzon (DA RFO 3) ang Kadiwa Pop-Up Store bilang pakikiisa sa pagdiriwang ng 9th National Organic Agriculture Month sa activity center ng Ayala Marquee Malls, Angeles City.
Nilahukan ang aktibidad ng may 27 na mga agribusiness enterprises mula sa iba’t ibang probinsiya ng Gitnang Luzon sa pangunguna ng Agribusiness and Marketing Assistance Division (AMAD) ng DA RFO 3.
Ang nasabing gawain ay pagtugon sa Presidential Proclamation No. 1030 issued on May 21, 2015 na nagdeklara sa buwan ng Nobyembre taon-taon bilang ipagdiwang ng Organic Agriculture Month.
Nagbigay ng mensahe si Bernadette F. San Juan, Program Director ng National Organic Agriculture Program (NOAP) na humikayat sa mga dumalo na mapalaganap ang mga impormasyon kaugnay sa kagandahang dulot sa kalusugan ng pagkain ng mga organikong produkto.
Ibinahagi naman ni Yolanda Riguer, nagmamay-ari ng Munting Paraiso ni Yolly Farm ang mga karanasan niya bilang isang Organic Agriculture Practitioner kung paanong ang sustansiyang hatid ng mga organikong produktong tinatangkilik ng kanilang pamilya ay nakatulong sa kanilang kalusugan at naging daan upang makaiwas sa mga karamdaman.


Leave a comment