Ang Pahayagan

Mga mangingisda sa Zambales, nagpakawala ng boya sa karagatan bilang protesta kontra Tsina

ZAMBALES– Isang effigy ng boya ang pinalutang ng isang grupo ng mangingisda sa isla ng San Salvador sa Masinloc, Zambales bilang simbolismo anila ng gutom at galit bunga ng patuloy na pagpigil ng Tsina sa mga mangingisda na pumalaot sa West Philippine Sea particular sa Scarborough Shoal o mas kilala bilang Bajo de Masinloc.

Nabatid sa isang pahayag ng Asosasyon ng mga Mangingisda sa Masinloc, ang pagpapakawala umano nila ng boya na may nakasulat na “Atin Ang Pinas” ay bilang tanda ng pag-angkin ng mga mangingisda sa kanilang pinagkukuhanan ng kabuhayan.

Sinabi ng tagapagsalita ng grupo na si Richard Pascual na siya rin incoming kapitan ng San Salvador Island na umaasa sila sa biyaya ng karagatan kung saan dito kinukuha ang pagkain, hanapbuhay para sa kanilang pamilya..

Ang patuloy umanong panggigipit na ginagawa laban sa mga mangingisda sa Scarborough ay lubos na nakakaapekto sa kanilang kabuhayan.

Leave a comment