SUBIC BAY FREEPORT– Binalaan ng Subic Bay Metropolitan Authority (SBMA) ang mga port users particular ang mga nasa imported truck trading na possible silang ma-ban at hindi na makapagnegosyo rito kung hindi susunod sa mga itinakdang bagong protocol sa Subic Bay Freeport.
Ito ang babala ni SBMA Chairman and Administrator Jonathan Tan sa pakikipagpulong nitong Huwebes, Oktubre 26, sa mga stakeholders kung saan inihayag rito ang mga paghihigpit na ipatutupad ng nasabing ahensiya simula Nobyembre 15.
Napag-alaman na layunin sa gagawing paghihigpit na labanan ang mga tiwaling gawain sa Freeport kabilang na ang umano’y pandarayang ginagawa ng mga traders na under declaration of the weight of shipped trucks. May anomalya rin umano na may nakapaloob na ibang kargamento sa ipinasok na sasakyan subalit napapalusot dahilan sa pakikipagsabwatan sa ilang tiwaling indibidwal.
“Most of the truckers here use bribes to speed up the processing of their papers. We will stop this illegal activity and will abide by the process on the releasing of trucks,” pagdidiin ni Tan.
Nadadaya umano rito ang gobyerno kung kaya’t paiigtingin ng SBMA ang pakikipag-ugnayan kay Bureau of Customs Commissioner Bienvenido Rubio para matiyak na maipatutupad ang mga bagong protocol.
Nabatid pa na nasa proseso ng pagkuha ng weighing scale ang SBMA na gagamitin simula Nobyembre 15 upang matukoy ng ahensya ang aktwal na bigat ng mga imported na sasakyan.
“This is a fair warning to everyone. The President told me to give you a chance, he told me to save the truck industry. The processing of imported trucks should be done as stated by law,” saad pa ni Tan sa mga truck traders na dumalo sa pulong. (Ulat at larawan ng Ang Pahayagan / JUN DUMAGUING)


Leave a comment