Walang balak ang Malacañang na iproklama ang Okt. 31, 2023 (Martes) bilang non-working holiday, ayon sa pinakahuling abiso ng Presidential Communications Office (PCO) nitong Oktubre 24.
Tanging ang Oktubre 30 (Lunes) na itinakdang Barangay and Sangguniang Kabataan Elections ang dineklara bilang special non-working day.

Wala rin opisyal na deklarasyon para sa Biyernes, Nobyembre 3 na naipit dahilan sa ang Nobyembre 1 at Nobyembre 2 lamang ang opisyal na deklaradong special non-working day para sa paggunita ng Undas.

Leave a comment