Nakamit ng Consumer Affairs Council of Castillejos ang unang puwesto sa ginanap na Regional Dulaang Pangmamimili na bahagi sa selebrasyon ng Department of Trade and Industry – Central Luzon Consumer Welfare Month sa San Fernando, Pampanga.
Ang Dulaang Pangmamimili, sa temang “GenS: Generation Sustainable” ngayong 2023, ay isang nationwide role-playing competition na nilalahukan ng mga kabataan, estudyante at consumers organization upang paigtingin ang kamalayan ng mamimili para sa de-kalidad at ligtas na mga produkto.


Leave a comment